Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binigyan pa ng datung: Aiko pinatawad ang sumira ng kotse niya

0 83

Kung hindi dahil sa malasakit ni Aiko Melendez sa isang truck driver, malamang ay kabilang na ang huli sa mga walang trabaho ngayon sa gitna ng pandemya.

Pinatawad at binigyan pa ng pera ni Aiko ang driver na bumangga sa kanyang luxury car nitong nakaraang dalawang linggo.

Kuwento ni Aiko, papunta sila ng anak na si Marthena sa Subic, at habang nagmamaneho sa Quezon City, bigla na lang may bumangga sa kanya na isa ngang truck.

Bagong bili ni Aiko ang sasakyan (2020 model Mercedes Benz). At sa tantiya ko ay nagkakahalaga ng mahigit P5M ang sasakyan.

Ayon kay Aiko, nakatulog daw habang nagmamaneho ang driver kaya nabangga nito ang sasakyan niya. Wasak ang kaliwang bahagi ng sasakyan, at nasira pa ang gulong.

Hindi nagawang talakan ni Aiko ang driver dahil sa awa nito sa huli.

Alam niyang nagsusumikap ang driver para magkapera sa pamilya.

Matapos ayusin ng traffic aide ang insidente, binigyan pa ni Aiko ang driver ng pera para makakain, dahil sa itsura raw nito ay mukhang hindi pa kumakain.

Kinausap pa ni Aiko ang may-ari ng truck at binilinang huwag tatanggalin sa trabaho ang lalake.

Aabot sa milyong piso ang pagpapagawa ni Aiko sa sasakyan, na tatagal din sa car repair shop ng tatlong buwan.

Ipinagpasalamat ni Aiko na walang nangyaring masama sa kanila ng anak niyang si Marthena.

Isa lang ito sa mga magagandang ginawa ni Aiko sa mga kapuspalad, kaya hindi na ako nagtaka na marami ang humikayat sa kanya na bumalik sa public service.

Yes tatakbo nga si Aiko sa kongreso, sa 5th district sa Q.C.

Samantala, nagbukas ng shopstore website si Aiko, ang ‘Ping Me Up’ kung saan mabibili ang mga item sa murang halaga.

Rabiya, Amanda ‘di totoong magkaaway

Isang pagpapatunay na walang rivalry o masamang karanasan sa isa’t isa sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, at Miss Universe Thailand Amanda Obdam.

Masisilip ang selfie nina Rabiya at Amanda sa Instagram na kuha sa nakaraang Miss Universe 2020 pageant.

“Khuj Suay Maak @amanda.obdam. Happy birthday to my Miss Universe sister. I miss you Babe! See you in Thailand soon! Virtual hugs for bow! #Ramanda,” pagbati ni Rabiya kay Amanda.

Nananatiling magkaibigan ang dalawa matapos ang pageant, kahit ang ang daming nagbabangayan, nagpapatutsadahan dahil sa kanila.

Andre mabait sa mga kapatid sa labas

Pinasaya ni Andre Yllana ang birthday ng kanyang half-sibling (anak ni Jomari Yllana kay Joy), na si Ayrton, nang bisitahin niya ito.

Pinoste ni Joy sa Instagram ang mga photo nina Andre at Ayrton.

May dalawang anak si Jomari kay Joy.

Ayon kay Joy, tuwang-tuwa ang dalawa niyang anak noong makita ang Kuya Andre nila. Nagpakitang-gilas daw ang dalawa sa pagkukuwento sa kanilang kuya kahit bulol pa ang mga ito.

Sabi pa ni Joy, mabait at magalang sa kanya si Andre, at mapagmahal sa kanyang mga kapatid.

Nagbigay ng cake at regalo si Andre sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.