Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BINI, BGYO dadalo sa 1MX Music Festival Dubai

0 93

Patuloy ang pagbibigay-inspirasyon ng mga awitin ng P-Pop girl group na BINI dahil puring puri ng fans at netizens ang nakaka-good vibes na latest single nitang “Kapit Lang.” Wala pang isang linggo, nagtala agad nang higit sa 320,000 views sa YouTube ang matingkad na music video.

Nakakatuwa at nakakaindak ang music video kung saan nakasuot ng makukulay na damit ang mga miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena habang sabay-sabay na humahataw.

Maraming fan ang naka-relate sa mensahe ng BINI tungkol sa pagiging matatag at palaban sa kabila ng iba’t ibang pagsubok.

“Minsan ayoko nang bumangon, nalulunod sa lungkot at galit. Pero kahit mahirap, gagawin ang kailangan… Kapit lang, kaibigan,” ang mensahe ng BINI sa kanta.

Bukod sa kanilang paparating na debut album at sibling concert ngayong taon, pinaghahandaan na rin ng BINI ang performance nila kasama ang brother group nilang BGYO para sa 1MX Music Festival na gagawin sa Dubai sa Disyembre 3. Ito ang unang pagkakataon ng dalawang grupo na makapag-perform sa harap ng kanilang international fans.

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa inaabangang “One Dream: The BINI & BGYO Concert” sa Nobyembre 6 at 7. Ang SVIP tickets ay nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.