Una sa Balita

Bingi pumasa sa board exam ng mga guro

0 340

HINDI naging sagabal kay Kevin Gamboa ang kanyang pagiging isang bingi para maabot ang pangarap na maging guro.

Si Kevin ay nag-iisang bingi na nakabilang sa may 19,659 bagong elementary teacher matapos na pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) matapos ang ika-anim na beses na pag-exam.

Ayon kay Luisa, nanay ni Kevin parang binagsakan siya ng langit at lupa nang makumpirma na bingi ang kanyang ikaapat na anak.

Sa tulong ng scholarship at financial assistance mula sa New Zealand ay naipasok niya sa private school para sa mga bingi sa Maynila si Kevin.

Hanggang sa mai-transfer si Kevin sa Hebron Christian College sa San Rafael, Bulacan, kung saan dito niya nakumpleto ang kanyang elementary at high school education.

Kasunod nito ay nag-enrol si Kevin sa Deaf Evangelistic Alliance, Inc. School sa Cavinti, Laguna para sa kanyang kolehiyo dahil mayroon silang programa para sa mga bingi na gustong maging guro.

Noong 2015, nakapagtapos si Kevin ng degree sa Elementary Education.
Sa nabanggit na taon ay kumuha si Kevin ng LET pero bumagsak at hindi lamang isang beses kundi anim na beses.

Nitong Marso 19 muling kumuha si Kevin ng LET at sa wakas ay nakapasa.
Nabatid na 27.3% lamang sa 72,054 elementary teacher examinee ang pumasa sa LET. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy