Una sa Balita

Binay nagprotesta sa HRET vs Peña

0 318

Naghain ng protesta sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si dating Vice-President Jejomar Binay sa pagkakapanalo ni Romulo Peña, Jr. sa first district ng Makati sa halalan noong Mayo 2019.

Sa 70 pahinang electoral protest na inihain ng mga abugado ni Binay sa HRET, pinababasura nila ang proklamasyon ng Makati City Board of Canvassers kay Peña bilang kinatawan ng unang distrito ng Makati noong Mayo 14.

Hiniling nila sa tribunal na magsagawa ng manual recount ng balota at iba pang election do-cument sa lahat ng 235 protested clustered precincts.

“The Congressional contest was marred by various manifestations of fraud, anomalies, irregularities and statistical improbabilities. Approximately 9,050 votes were disenfranchised to be Null/Misread Votes,” ayon sa election protest.

Si Peña ay nakakuha ng 71,035 boto kumpara sa 65,229 boto ni Binay, o lamang na 5,806 boto lamang.

Dahil sa manipis na kalama-ngan, ang botong paglalabanan sa protesta ay “crucially determinative” sa tunay na nanalo sa u­nang distrito ng Makati.
“As it is, the proclamation of (Peña) was based on figures plagued by mysteries,” ayon sa protesta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy