Una sa Balita

Binay kakasuhan ng graft sa P600M BSP-Alphaland deal

By
0 1,043

Tuluyan nang inirekomenda ng Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban kay dating Vice President Jejomar Binay at iba pang opisyal kaugnay sa maanomalyang pagbebenta ng lupang pag-aari ng Boy Scout of the Philippines (BSP) sa Alphaland Makati Place, Inc. (AMPI) na matatagpuan sa Malugay Street, Makati City.

Ito’y makaraang makompleto na ng FIO ang fact-finding investigation nito kaugnay sa kaso.

Inirekomenda ng FIO ang pagsasampa ng kasong kriminal at adminis­tratibo laban kina Binay, na siyang BSP President, at Senior Vice President Wendel Avisado, dahil sa paglabag sa Section 3(e) at (g) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act)
Gayundin ang mga BSP executive na sina Del De Guzman, J. Miguel De Jesus, Enrique Lagdameo, Pedro Destura, Dale Corvera, Maximo Edralin, Jr., Remedios Petilla, Roberto Pagdanganan, Harmes Sembrano, Mildred Garay, Manuel Jose Dalipe, Leo Lasacar, Danilo Asiaten, Lutgardo Barbo, Jose Mari Pelaez, Ireneo Aquino, Jose Eduardo Delgado, Henry Dy, Jose Ma. Gastardo, Pepito Carpio, Nemesio Miranda, Jr., Jaime Semana, Wilfredo Chato, Alan Zulueta, Jorge Banal, Efren Edgard Dieta, Rodolfo Tamani, Von Carlo Yacob, J. Rizal Pangilinan, Salud Bagalso, at Amado Espino, Jr.

Ang mga criminal and administrative charge ay isasailalim pa sa preliminary investigation at administrative adjudication, ayon sa pagkakasunod.

Lumitaw sa Fact-finding investigation, na Hunyo 2, 2011, binigyan umano ng awtorisasyon ng BSP National Executive Board na ibenta ang 10,000-square meter property sa AMPI para sa total contract price na P600,000,000.00 gayung nagkakahalaga ito ng higit P1 bilyon.