Una sa Balita

Binatilyo todas sa pagnanakaw

By
0 6

Patay ang isang menor-de-edad matapos na ito ay barilin ng kanilang pinagnanakawan sa Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng Biñan Police, pumasok ang apat na menor-de-edad na may mga edad na 13 hanggang 17-anyos sa bahay ng isang Abelardo dela Cruz, na naninirahan sa abroad.

Tiyempo namang bumisita sa bahay ang pamangkin ni Cruz na si David Reyes, empleyado ng Biñan City hall, at naaktuhan nitong ninanakaw ng a­pat ang mga gamit sa bahay.

Subalit biglang nagbunot ng baril ang 17-anyos na suspek na si Jimmy kung saan naagaw naman ito ni Reyes.

Tinangka pa uling saksakin ng binatilyo si Reyes kaya napilitan na umano itong barilin ang suspek na agad nitong ikinasawi.

Na-trap naman sa loob ng bahay ang tatlo pang suspek at nahuli ng mga nagrespondeng pulis.

Inamin ng mga ito na ito na ang ikalawang ulit nilang pagnanakaw sa nasabing bahay.