Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binatilyo sinitang malakas mamulutan, nanaksak

0 69

Arestado ang isang menor de edad matapos mapatay sa saksak ang kanyang kainuman sa Purok 3, Barangay Marabulig 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Tinukoy ng Cauayan City Police Station (CCPS) ang suspek na si ‘Paulo’, hindi tunay na pangalan, 17-anyos, out of school youth, ng nasabing barangay. Samantala, ang biktima ay nakilalang si Christian Tabio, 23.

Nag-iinuman diumano ang suspek at biktima kasama ang isang kaibigan nang sitahin ni Tabio si Paulo na na maghinay-hinay ito sa pagkuha sa pulutan dahil dahil malakas itong mamulutan.

Dahil na rin sa impluwensya ng alak, inaway ng suspek ang biktima at humantong sa suntukan na naawat naman ng kasama nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngunit umuwi si Paulo, at pagbalik niya ay may dala na itong kutsilyo at sinugod si Tabio at walang sabi-sabing sinaksak sa dibdib ang biktima.

Agad na dinala sa Cauayan City District Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival dahil tumagos umano sa kanyang puso ang tama ng kutsilyo.

Huli naman ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong homicide. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.