Binatilyo sapul sa boga ng katoma

By ,

Aksidenteng napatay ng suspek ang menor de edad nitong kainuman, makaraang pumutok ang inilapag nitong baril sa Tagaytay City, Cavite dakong alas-nuebe ng gabi kamakalawa.

Kinilala ng Tagaytay CPS ang nasawing biktima na si Joseph Meot Diligero, 14-anyos ng Brgy. Tolentino East, sa nasabing lungsod habang arestado naman ang suspek na si Angeles Baybay, 58-anyos, OIC ng Hanggang Sa Kabilang Buhay Funeral Services at residente ng VilBay St. Brgy. Maitim 2nd East sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na magkasamang nanonood ng telebisyon habang nag-iinuman ang suspek at biktima, kasama ang dalawang iba pa nang ilabas umano ni Baybay ang maigsing kalibre ng baril at ipinakita sa mga kainuman.

Nang aktong inilapag nito sa mesa ang baril ay aksidente itong pumutok at nasapul sa ulo ang biktima, agad itong isinugod sa Ospital ng Tagaytay ngunit dineklarang dead on arrival ng doktor.

SHARE