Una sa Balita

Binatilyo nilikida sa sementeryo

By
0 4

Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang sepulturero ng pampublikong sementeryo ng Calatagan Batangas, makaraang madiskubre nito ang bangkay ng isang lala­king biktima na may tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa naantalang ulat ng Calatagan Municipal Police Station, magaalas-nuwebe ng umaga kamakalawa nang makita ni Camilo Bulaclac ang bangkay ng biktimang si Jimbo Eleponga y Chico, 16-an­yos ng Barangay Poblacion IV, Calatagan, Batangas.

Hinihinalang nilikida sa loob mismo ng Calatagan Public Cemetery ang biktima ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Inaalam na ng pulisya ang posibleng motibo sa nangyaring krimen.