Una sa Balita

Binatilyo natagpuang patay sa ilog

0 329

By Ronilo Dagos

INIIMBESTIGAHAN pa ngayon ng mga awtoridad kung ano ang ikinamatay ng isang binatilyo na natagpuan ang bangkay sa ilog sa Calamba City, Laguna kamakalawa nang umaga.

Positibong kinilala ng kanyang nanay na ang natagpuang­ katawan ng biktima ay si Carlo Carabit, 14-anyos.­

Batay sa report ng Calamba City police, nadiskubre ng dalawang mangingisda na sina Ondoy Alegre at Aaron Ricafort ang bangkay ng biktima na nakalutang kasama ng mga basura sa ilog sa Brgy. Kay-Anlog alas-11:30 nang umaga.

Ayon naman sa nanay ng biktima, ilang araw ng nawawala ang kanyang anak na hindi naman nagpaalam kung saan pupunta noong umalis sa kanilang bahay.

Sinusuri pa ng mga tauhan ng SOCO ang labi at kung ano ang eksaktong ikinasawi nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy