Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binatilyo nagpuslit ng disinfectant, huli

0 136

Bagsak sa kulungan ang isang Grade 12 student matapos na magnakaw ng tatlong lata ng disinfectant pangontra sa COVID-19 kamakalawa hapon sa SM Hypermart sa Malate, Maynila.

Umabot sa halagang P1,484 ang Lysol disinfectant na tinangkang ipuslit ng suspek na si John Rommel Española, taga-Mandaluyong City.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Manila Police District-Police Station 9, alas-2:30 ng hapon nang pumasok si Española, 19, sa hypermart at nagpanggap na kostumer.

Sabi ng guwardiyang si Robin Durangon, 40, lingid sa kaalaman ng suspek ay minamanmanan na siya at nang walang maipakitang resibo ay binitbit na sa security office.

Nahaharap sa kasong theft (shoplifting) si Española sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.