Una sa Balita

Binatilyo inatake ng epilepsy habang nasa dagat, dedo

0 462

PATAY isang 17-anyos na menor de edad matapos atakihin ng epilepsy habang naliligo sa dagat sa bayan ng Aparri, Cagayan noong Sabado.

Kinilala ni Aparri Police Station (APS) chief-of-police P/Capt. Mario Marraggun, ang biktima na si Dominic Tubali, Brgy. Maura ng nasabing bayan.

Ayon kay Marraggun, nagkaayaan ang biktima at kanyang mga kaibigan na maligo sa dagat.

Kwento ng isang kaibigan ng biktima, nasa malalim na parte ng dagat umano ito nang biglang inatae ng epilepsy sanhi ng kanyang pagkalunod.

Sabi pa sa mga kaibigan ng biktima, hindi nila agad napansin si Tubali na pupunta agad sa dagat para maligo.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang hepe sa mga residente ng kanyang nasasakupan na manatili lamang sa mga tahanan bilang pagtalima sa enhanced community quarantine para makaiwas sa coronavirus disease-2019. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More