Una sa Balita

Binatilyo huli sa damo

By
0 1,928

NAUDLOT ang pagde-deliver ng ‘damo’ ng isang binatilyo makaraang mahuli habang papasok sa isang musical event sa Ugong, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa rin kuma­kanta ang suspek na si R-Vie John Cenina y Villariña, 19-anyos at residente ng Pasig City kung kanino niya ihahatid ang nakumpiskang marijuana at kung saan niya ito nakuha.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang tube ng hindi pa matiyak na dami ng ipinagbabawal na marijuana habang papasok sa Red Horse Music Laban event bandang alas- 8:00 Sabado ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong ang binatilyong suspek sa Pasig detention cell at iniha­handa ang kasong pag­labag sa Dangerous Drugs Act o RA 9165.