Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata todas sa tuklaw ng ahas

0 161

Sa pag-aakalang patay na ang ahas na kanilang pinagpapalo, todas ang isang binata matapos siyang tuklawin sa Barangay Tombod, Villasis, Pangasinan noong Miyerkules.

Kinilala ni Villasis Police Station (VPS) chief-of-police P/Maj. Christian Alucod, ang biktima na si Jayson Nama, ng nasabing barangay.

Sa inisyal na report, ayon kay Alucod, nakakita ang biktima at ilang kaibigan ng isang ahas sa isang imburnal at pinagpapalo nila ito.

Kuwento ng kapatid ng biktima na si Nancy Nama, pinagpapalo ng kasamahan ng biktima ang ahas hanggang sa inakala nilang patay na ito.

Pinalo pa umano ito ng isang beses ni Jayson upang siguraduhing patay sabay dampot dito ngunit bigla siyang tinuklaw sa braso at dead-on-arrival na sa ospital. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.