Una sa Balita

Binata todas sa heat stroke

By
0 121

Pinaniniwalaang heat stroke ang dahilan ng pagkamatay ng isang 29-an­yos na binatang bakasyunista matapos na bigla na lang matumba habang naglala­ro ng basketball sa kainitan ng panahon kamakalawa ng umaga sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Nakuha pa sanang isu­god sa Matnog Community Hospital subalit idineklara itong dead-on-arri­val ng sumuring doctor ang biktimang si Francis Silvia, call center agent at kasaluku­yang nagbabakasyon lang sa nabatid na bayan.

Base sa ulat ng Matnog Municipal Police Station (MPS), kasalukuyang nagbabakasyon ang biktima kasama ang mga kaibigan sa beach resort sa Barangay Calin­taan nang maisipan na maglaro ng basketball sa kainitan ng araw pa­sado alas-10:00 ng umaga.

Habang nasa kalagitnaan ng laro ay big­la na lang natumba ang biktima dahilan upang agad itong isugod sa nasabing pagamutan at idineklara itong dead-on-arrival.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy