Una sa Balita

Binata tinadtad ng bala sa tabing kalsada

0 376

Patay ang 18-anyos na binata matapos itong barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang lalaki habang nagte-text sa tabing kalsada Linggo nang gabi sa bayan ng Sibulan, Neg­ros Oriental.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Angel Dianon Banzalan, residente ng Barangay Magatas ng nabatid na bayan.

Sa ulat ng Sibuan Municipal Police, naganap ang insidente alas-7:40 nang gabi habang nakaupo ang biktima sa tabing kalsada malapit sa kanilang bahay.

Nabatid na nadaanan siya ng dalawang hindi pa kilalang lalaki at isa sa mga ito ay bumunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril at tatlong beses na pinaputukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay agad na namatay sa lugar ng insidente.

Sa ngayon ay patuloy ang im­bestigasyon ng pulisya para sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek at posibleng pagdakip sa mga ito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy