Una sa Balita

Binata tiklo sa yosi at shabu

By
0 508

Dinampot ng mga pulis ang isang binata habang sarap na sarap sa paninigarilyo sa gilid ng kalsada sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Ang masaklap, ­bukod sa kasong paninigarilyo sa pampublikong lugar, nakapkapan pa ng isang plastic sachet ng ­shabu si Norman Franco, 26-­anyos, residente ng No. 62, Pio Valenzuela Street, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, bandang alas-otso ng gabi, nagpapatrulya ang mobile patrol ng Police Community Precinct (PCP) 9 sa kahabaan ng JP Rizal Street, Barangay Karuha­tan, Valenzuela City.

Nadaanan ng mga ito si Franco na naka-upo sa gilid ng kalsada at sarap na sarap sa paghithit ng sigarilyo.

Dahil may ipinatutupad na ordinansa na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod, sinita nila ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanyang bulsa ang isang plastic sachet na may lamang shabu.

Sa headquarters, nadiskubre na dati na itong naaresto noong Hunyo 2017 sa kaso ng iligal na droga.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Exe­cutive Order No. 26, City Council Ordinance No. 67 (smoking in public places) at Violation of Art. 11 of RA 9165 si Franco.