Una sa Balita

Binata tigok sa tadyak, suntok ng truck driver

0 321

NAMATAY sa gulpi ang isang 44-anyos na ­binata nang pagtripang bugbugin umano ng isang truck driver sa ­Barangay Barrera Cabanatuan City.

Sa ulat na ­nakarating sa tanggapan ni ­Police Colonel Leon Victor ­Rosete, Nueva Ecija ­police director, ­nakilala ang nasawi na si Jovy De Jesus Garcia, ­residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ina ng biktima na si Juliana DeJesus Garcia dakong ala-una ng madaling-araw, nakatayo ang kanyang anak sa harapan ng kanilang tahanan nang duma­ting ang salarin na si Joel Bermillo, 27-anyos.

Walang kaabog-abog ay bigla umanong pinagsusuntok at pinagsisipa ng salarin ang biktima na bumalagta sa lakas ng mga tinamong ­bigwas at tadyak.

Lumitaw na ­na­ba­gok ang ulo ng biktima sa konkretong lansangan hanggang nawalan ng ulirat at nasawi habang ginagamot sa Manuel V Gallego City Hospital.

Mabilis na tuma­kas ang salarin na ipinapa­lagay na nasa ­impluwensya ng ­droga nang ­isagawa ang ­anggugulpi. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More