Una sa Balita

Binata niratrat, tinarget sa ulo

By
0 1,682

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na binatang obrero habang papasok ng kanyang trabaho sa construction site kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Batay sa report, papasok na sa pinatatrabahuang construction site sa Villa Evangelista Compound sakop ng Brgy. Palatiw bandang alas-singko ng mada­ling-araw ang biktima na si Junnel Martinez y Ubinian.

Naglalakad umano ang biktima nang big­lang lapitan ng dalawang suspek at tinadtad ng bala ng baril ang buong katawan habang ang isa ay pumuntirya sa ulo ng biktima.

Narekober mula sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang walong basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Pasig police kaugnay sa pagbaril sa biktima.