Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata niratrat ng kagalit

0 183

Dead on the spot ang isang binata matapos itong barilin ng nakaaway niyang magkapatid at isa pang suspek sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon, Lunes ng gabi .

Kinilala ng Tiaong PNP ang biktima na si Nico Mendoza, 21 anyos. Kinilala naman ang mga tumakas na suspek na sina Gerald at Divino Katigbak at isang JeJay Ilagan.

Sa imbestigasyon, alas-8:45 ng gabi, naglalakad ang biktima sa lugar kasama ang kanyang ama nang lapitan at paulit-ulit na pagbabarilin ng mga salarin gamit ang maigsing baril na siya nitong ikinasawi.

Lumalabas sa imbestigasyon na matagal nang alitan ang motibo sa pamamaslang. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.