Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata nalunod sa ilog

0 346

WALA ng buhay nang iahon sa tubig ang isang binata matapos na lumangoy sa ilog sakop ng Tanza, Cavite, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Regie Oriada, 19, ng Brgy Santol, Tanza, Cavite.

Sa ulat ng Tanza Police Station, ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang magkatuwaan ang biktima at ilan nitong kaibigan na maligo sa ilog.

Subalit ilang minuto ang nakakalipas ay hindi na lumutang ang biktima kaya nagpasaklolo ang mga kaibigan nito.

Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Cavite Response Team ngunit natagpuan ang katawan ng biktima na wala ng buhay pasado alas-sais ng hapon. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.