Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata naglaro ng ‘Call of Duty’, natodas

0 130

Patay ang 19-anyos na binata matapos atakehin sa puso habang naglalaro ng online game na “Call of Duty” sa isang computer shop malapit sa kanilang bahay sa Barangay Lekeb Butao, San Fabian, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ng San Fabian Police Station (SFPS) ang biktima na si Erwin Biasura, 19, ng nasabing barangay.

Base sa ulat ng SFPS, sinabi ng mga nakasaksi na sa kalagitnaan ng paglalaro ng biktima, bigla itong natumba mula sa kanyang kinauupuan hawak ang kanyang dibdib.

Nadala siya sa ospital ngunit dineklarang dead on arrival, at ayon sa mga doktor, heart attack ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, may sakit sa puso Biasura at nagmi-maintenance. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.