Una sa Balita

Binata nag-suicide sa babuyan sa Sorsogon

By
0 2,018

Lovers quarrel ang pinaniniwalaang dahilan ng isang 21-anyos na binata sa ginawa nitong pagpapakamatay matapos matagpuan itong naka­bigti sa kulungan ng baboy kahapon ng madaling-araw sa Bacon District, Sorsogon City.

Wala ng buhay nang matapuang nakabigti gamit ang isang nylon cord ang biktimang nakilalang si Joseph Diesta, residente ng Sitio Basud, Brgy. Poblacion ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Supt. Edison Dumangas, hepe ng Sorsogon City police, dakong alas-otso ng umaga nang madiskubre ng kanyang ama ang bangkay ng naka­bigting anak sa kulungan ng kanilang baboy.

Nauna rito, nagpunta ang biktima dakong alas-onse ng gabi kamakalawa sa kulungan ng inaala­gaan nilang mga baboy upang pakainin ang mga ito subalit hindi na namalayan ng pamilya ang pagbabalik nito ng bahay.

Kinaumagahan na nang matuklasan ng kanyang ama ang pagpapakamatay ng binata matapos itong magtungo sa babuyan.

Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, may ilang oras na umanong patay ang biktima bago ang pagkakatagpo ng bangkay nito kaya posibleng madaling-araw pa lang ay isinagawa na nito ang pagpapakamatay.

Away sa kanyang nobya ang pinaniniwalaang motibo ng biktima sa pagpapakamatay at naniniwala naman ang pa­milya nito na walang foul play na naganap sa insidente.