Una sa Balita

Binata, kulong dahil sa P5

By
0 297

Sa kulungan bumagsak ang isang binata, makaraang magwala at magbasag dahil lamang sa limang piso, kahapon nang mada­ling-araw sa Valenzue­la City.

Nahaharap sa kasong malicious mischief ang suspek na si Teodoro Cohu alyas ‘Putol’, 46-anyos, residende ng No. 61 Tangke St., Brgy. Malinta ng lungsod.

Ayon sa complainant na si Donna Vendiola, 20, ng No. 82 Tangke St., Brgy. Malinta, nagpunta sa kanyang tindahan si Cohu, dakong alas-3:45 nang madaling-araw, para isauli ang bote ng alak na binili daw nito at deneposituhan ng limang piso.

Dahil hindi naman talaga doon bumili ang suspek, hindi ibi­nigay ng babae ang nasabing halaga.
Bunga nito, nagalit si Cohu at inihataw ang dalang bote sa salamin ng eskaparate ng tindahan kaya nagbasag-basag ito.

Hindi pa daw nasiyahan ang suspek, binato rin nito ang iba pang paninda sa tindahan.

Tumawag sa Police Community Precinct (PCP) 4 si Vendiola na nagresulta sa pagkakadakip ni Cohu. (Orlan Linde)