Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata kinatay ng senior citizen

0 66

DAHIL sa naiwang tsinelas sa crime scene, nabisto ang pagpatay ng 78-anyos na magsasaka sa kanyang kabaro na natagpuang tadtad ng saksak sa Silang, Cavite, Lunes ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay nang matagpuan si Jeofrey Gane, 52, binata, ng Brgy Biga 1, Silang, Cavite.

Arestado naman ang papatakas na sanang suspek na si Anthony Madrid, may-asawa, kalugar ng biktima.

Sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi, ng Silang Police Station, alas-6:50 kamakalawa ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang nipa hut sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, Linggo ng gabi ay nag-inuman pa ang biktima at suspek sa nipa hut.

Narekober ang isang pares ng tsinelas na naiwan ng suspek na siyang naging susi at napaamin sa krimen. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.