Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata inambus ng kaalitang drayber

0 86

Patay ang isang 22-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng umano’y dati nitong kaalitan matapos aba­ngan sa isang eskinita sa Bacoor City, Cavite Linggo ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gilbert Villantes Jr., binata, walang trabaho ng Malipay 3, Molino 4, Bacoor City, Cavite habang pinagha­hanap ng pulisya ang iningusong suspek na si Rule Endang alyas Bor, nasa wastong edad, isang driver, ng Sitio Tabing Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Corporal E­dilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Police, alas-11:30 ng gabi, kamakalawa, naganap ang pamamaril sa isang eskinita sa Pulong Mabilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City kung saan naglalakad ang biktima.

Sinasabing naroon na sa lugar ang suspek at ina­abangan si Villantes at pagdaan ng huli ay walang sabi-sabi itong pinagbabaril ng nauna gamit ang ‘di nabatid na kalibre ng baril na nagresulta sa agarang kamatayan nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.