Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata hinamon 2 pulis, kalaboso

0 191

Tiklop ang angas ng isang binata nang damputin ito ng mga pulis at ikulong matapos hamunin ng barilan ang dalawang alagad ng batas na umaresto sa kanya sa Navotas City Biyernes ng gabi.

Kinasuhan ng alarm and scandal at illegal possession of firearm and ammunitions ang suspek na si Richard Cailing, 43, naninirahan sa Barangay 128 Upper Smokey Mountain, Tondo, Maynila.

Ayon kay PSSg. Karl Benson ng Navotas Police-Station Investigation Unit, dakong alas-11:30 ng gabi, nasa surveillance operation sina PSSg. Antonio Bugayong at PCpl. Edgar Barata, mga nakatalaga sa Intelligence Division nang mamataan ang suspek na naghahamon ng away.

Nilapitan nila ang suspek at nagpakilalang mga pulis saka sinita ito.

Pero nagsalita pa umano si Cailing na, “Walang pulis-pulis sa akin. Anong Pulis? Gusto n’yo magbarilan pa tayo?”

Dinakma siya ng dalawang pulis saka pinosasan at kinapkapan. Nakuha sa beywang ng suspek ang isang baril na kalibre .38 na may tatlong bala. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.