Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binata dedo sa sagasa ng van

0 266

NASAWI ang isang 26- anyos na binata nang nasagasaan ng aluminum van habang tumatawid sa kalsada sa Carmona, Cavite Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Allen Francis Mamaril, 26, binata, taga-Galleria Baclaran, Pasay City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng isang Isuzu Aluminum van na si Chember Albiana y Blasco, 24, ng Marcelo 1 Extention, Bagumbayan, Taguig City.

Sa ulat ni PSSgt Charles Virtudez, ng Carmona Police Station, alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente. Tumatawid ang biktima sa Governors Drive, Brgy Bancal, Carmona, Cavite nang mahagip ng minamanehong aluminum van ni Albiana.

Isinugod sa pagamutang Bayan ng Carmona ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.