Una sa Balita

Binasura ng Lakers, pinulot ng Kings

0 237

ISANG araw lang ang nakalipas, may bago na agad tahanan ang dating Los Angeles Lakers coach na si Luke Walton.

Matapos patalsikin si Dave Joerger ni Sacramento Kings general manager Vlade Divac, hindi nagpatumpik-tumpik ang team management para sunggaban ang binitawan ng Lakers na si Walton, nagsilbi ng tatlong season sa LA-based squad.

Matatandaan na dati nang sinubukang kunin ni Divac ang 39-anyos na si Walton sa Kings, ngunit napurnada ito dahil mas piniling nitong maging ­Lakers coach na kanya nang dating pinaglaruan.

Sa tatlong season ni Walton sa Lakers, hindi nagkaroon ng winning season ang koponan, sadlak sa win-loss record na 26-56 noong 2017, 25-47 noong 2018 at ngayon kahit na nasungkit ang serbisyo ng four-time league MVP na si LeBron James ay bigo pa ring makatungtong sa playoffs.

Titimplahin ni Walton ang emerging star na si De’Aaron Fox, na kakagaling lang sa breakout season tangan ang 17.3 poiints, 7.3 assists at 3.8 rebounds. Kasama rin ang ilan pang mga bago sa liga na sina Marvin Bagley III, Buddy Hield at Willie Cauley-Stein. (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy