Una sa Balita

Binastos si Bato! Pagbasura ng VFA pina-go ng DOJ

0 419

SINISIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang proseso para putulin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos, kasunod ng ginawang pagkansela sa visa ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“All I can say is that the DOJ has been tasked to study the proper procedure to terminate the VFA. We are doing it now,” ayon kay Guevarra.

Una nang ibinulgar ni Dela Rosa na ang kanyang US visa ay kinansela kung saan kinakailangan niya na mag-apply muli kung sakaling magbalak siyang pumunta ng Amerika.

Kamakailan lamang ay nilagdaan ni US President Donald Trump ang 2020 budget na may sahog na probisyon na nagba-ban sa US sa lahat ng mga opisyal na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.

Nagpasalamat naman si Dela Rosa sa pagsuporta ni Pangulong Duterte sa kanyang kalbaryo.

Bukod sa DOJ, kumilos na rin ang Department of Foreign Affairs para simulan ang proseso ng pagbasura ng VFA. (Juliet de Loza Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More