Una sa Balita

Binasted ng crush pinasaya ni Heart

0 457

NAKATANGGAP ng rega­lo mula sa aktres na si Heart Evangelista ang Grade 4 student sa Sorso­gon na naging viral sa social media matapos bastedin ng kaklase dahil sa masyadong payat at hindi palakain ng gulay.

Ang sulat ng babae sa classmate niyang si Eman ay naging viral matapos itong i-post ng kanilang guro.

Isa sa naawa kay Eman ay ang asawa ni Sorsogon Governor Chiz Escudero kaya agad itong nagpadala ng regalo sa estudyante.

Dahil sa natanggap na regalo, sumulat si Eman kay Heart para magpasalamat at nangakong kakain na ng gulay.

“Dear Ms. Heart, happy birthday and happy Valentine’s day. Thank you sa gift kakain na po ako ng mara­ming gulay para tumaba na ako, Love, Eman.” ayon sa liham ng estudyante.

Naantig naman ang puso ng aktres kaya binati din niya si Eman sa araw ng mga puso.

“One of the sweetest birthday greetings I got! Kain ka ng maraming­ gulay, Eman! Happy Valen­tine’s Day din sayo at salamat sa pag-alala ng birthday ko,” ayon pa sa misis ni Chiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More