Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binalewala ni Edward: Maymay non-showbiz ang bagong dyowa

0 304

Maraming hugot si Maymay Entrata sa madamdaming kuwentuhan niya kasama si DJ Jhai Ho sa “Hotspot,” kung saan pinag-usapan nila ang pag-ibig at pag-move on mula sa heartbreak.

Kuwento ni Maymay, nakaka-relate talaga siya sa latest single niyang “‘Di Kawalan” dahil tungkol ito sa taong “nasaktan, iniwan, at ‘di pinahalagahan.”

Recently lang daw niya ito napagdaanan kaya damang-dama niya ang kanta niyang ito.

“Lahat naman po yata tayo ay talagang nawawala. Nawawala talaga tayo kapag nagmahal tayo nang totoo, lalo na kapag ‘yung minahal natin ay hindi pinapahalagahan ‘yung pagmamahal natin,” pag-amin ni Maymay.

Ibinahagi rin ng aktres na kahit raw hindi naging madali ang pinagdaanan niya ay natutunan din niyang mag-move on at respetuhin ang sarili niyang damdamin.

“Siguro kailangan lang po talaga nating i-remind ‘yung sarili natin na kung ang pagmamahal ay isang proseso, ‘yung tiwala ay isang proseso, ‘yung pagmo-move on din ay isang proseso. Kapag naka-move on na tayo, hindi lang kapayapaan ang makukuha natin, kundi respeto sa sarili natin,” saad niya.

Bagama’t hindi niya kinuwento ang buong detalye ng nangyari, inamin ni Maymay na minsan din daw niyang binalewala ang respeto niya para sa sarili pero natutunan niya ang “self-worth” dahil dito.

“Gusto ko lang magpakatotoo na may one time, nawala at nadala rin ako. Doon ko na-realize na kailangan mong tanungin nang paulit-ulit ang sarili mo ng ‘mapagkakatiwalaan ko na ba ‘yung sarili ko?’ Na nandoon na ako sa sitwasyon na walang kahit sinong magre-remind sa akin na ‘mahalaga ka, mahalaga ang pagiging babae mo, na may worth ka,’” sabi pa niya.

Inamin din ni Maymay na hindi taga-showbiz ang nagpapasaya sa kanya ngayon at hindi ito ang mga nali-link sa kanya na kapwa-Kapamilya star na sina Donny Pangilinan at Edward Barber. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.