Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Binaboy ang buhok: Ion dinaan sa iyak ang galit kay Vice

0 134

Magkahalo ang emosyon ng mga netizen sa nakita nilang content ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel. Ito nga `yung ‘Anong nangyari sa buhok ni Ion?’

Sa vlog kasi, makikitang nagpapapansin si Vice kay Ion, na si Ion naman ay tutok na tutok sa online game. Niyayaya ni Vice si Ion na gumawa sila ng content, pero palaging sinasabi ni Ion na mamaya na, o 10 minutes na lang, kaya ang Vice, nakaisip ng ibang paraan para agawin ang atensiyon ni Ion sa laro.

Ang ginawa ni Vice, kumuha ng gunting sa kusina, at habang abala si Ion na naglalaro, ginupit niya ang buhok nito. Sa umpisa ay hindi makapaniwala si Ion, na ang feeling niya, prank lang `yon, na may dalang mga buhok si Vice, na pinalabas lang na buhok niya ang mga nahulog sa kanyang harap.

Pero noong na-realized niya na buhok niya `yon, napatitig siya kay Vice, at nagsabing, ‘Seryoso? Seryoso ba ito?’ na ang mukha ay tila nagtataka, nagmamakaawa.

Eh, hindi pa rin nagpaawat si Vice, at itinuloy ang paggupit sa buhok ni Ion. Na nilagyan na niya ito ng bangs, at ang nakakaloka ay ang pagputol niya ng buhok sa bumbunan o tuktok ni Ion.

“Naiyak tuloy ako,” sabi ni Ion habang nakatingin kay Vice.

Sa puntong ito, tila nakaramdam ng kaba si Vice, dahil feeling niya ay galit na si Ion. Makikita rin kasi sa mukha ni Ion ang galit.

SM food to go Banner Ad

Pero, hirit ni Ion, ‘Wala na ako magagawa, eh.’

Well, sabi nga, baka kung sa ibang lalake mo `yon ginawa, baka magalit, o layasan ka. Per okay Ion, naluha lang siya pansamantala, at biglang nagpakahinahon, at tinanggap ang ginawa ni Vice.

“Akala ko magagalit ka sa akin, eh. Natakot nga ako,” sabi ni Vice kay Ion.

“Hindi naman ako magagalit sa iyo. Hindi mangyayari `yon,” sagot ni Ion kay Vice.

“Eh, bakit kasi hindi mo ko pinansin kanina pa, sana hindi umabot sa ganito,” sabi naman ni Vice.

Well, may mga nalungkot sa video na `yon, na feeling nila, walang power si Ion na magalit kay Vice. Pero, mas marami rin naman ang nagsabi, na dahil love talaga ni Ion si Vice, kaya kahit ano ang gawin nito, kesehodang magmukha siyang tanga, tatanggapin niya.

Well, watch niyo ang video, at kayo na ang magsabi kung ano sa tingin niyo ang naganap?

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.