Una sa Balita

Bimby reregaluhan ng Lamborghini car si Josh

By
0 2,583

Dream ng mag-inang Kris Aquino at Bimby na mabilhan ng Lamborghini car si Joshua na nag-birthday kamakailan. Sabi ni Kris, it’s so mahal daw, kaya kailangan munang mag-save sila.

Pero si Bimby, nangako sa kanyang kuya na in 10 years, bibilhan niya ito ng nasabing sasakyan. Eh, 11 years old na si Bimby nga­yon, kaya by 21, aba, bibilhan na niya ng Lamborghini ang kanyang kuya, huh!

Mukhang in 10 years naman ay kakayanin ‘yon ni Bimby dahil ngayon pa lang ay marami na siyang endorsement kasama ni Kris, ‘noh?!

Ang maganda sa magkapatid na Josh at Bimby ay mahal na mahal nila ang isa’t isa. 

Sandy tuloy ang shooting sa Canada with Bea, Aga

Sa tsikahan namin kahapon ni Manay Lolit Solis, naikuwento niya na tuloy pala ang alaga niyang si Sandy Andolong sa Canada para sa shooting doon ng pelikulang pagsasamahan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach.

Excited na raw si Sandy dahil bukod sa may work na, makakapamasyal pa ito.

Pero dahil nagpa-kidney transplant nga ang misis ni Christopher de Leon three years ago, hindi raw puwedeng si Sandy lang ang mag-isang bumiyahe pa-Canada, kaya sasamahan ito ng anak.

“At least, makakapag-bonding ang mag-ina roon kapag hindi kailangan sa shooting si Sandy,” sey ni Manay Lolit.

Nanay raw ni Bea ang role ni Sandy sa pelikula, pero siyempre, hindi maikuwento talaga ni Manay Lolit ang tungkol doon dahil puwedeng bawal pa o hindi talaga niya alam ang iba pang mga detalye.

Sabi pa ni Manay Lolit, bukod kay Aga, ang alam niya ay may isa pang aktor na kasama sa shooting, pero hindi naman niya ma-recall kung sino, huh! 

‘Walwal’ bagong ‘Bagets’?

Dahil sa June 27 na nga ang showing ng pelikulang Walwal ng Regal Entertainment at ang Star Cinema na ang namamahala sa promotions, nagpa-presscon na sila kahapon.

“Siyempre, movie pa rin ‘yan ni Mother (Lily Monteverde), kaya go pa rin ako sa presscon. Hindi ko nga matandaan kung sino ‘yung nag-invite na taga-Star Cinema, pero sa Valencia pa rin naman ang presscon.

“Basta, si Mother ang haharbatan ko mamaya. Hahaha!” sey pa ni Manay Lolit.

Big movie ng Regal Entertainment ang Walwal ni Direk Joey Javier Reyes, kaya matindi ang promotions no’n.

Feel na feel ni Mother Lily na magiging malaking tagumpay ang Walwal na inaasahang magiging parang Bagets movie noong 80’s. Ang Walwal nga ba ang magiging daan para tuluyang maging big stars sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce.

Sue Ramirez mukhang tomboyita

Nagulat naman ang mga fan ni Sue Ramirez sa bagong looks niya ngayon. Nagpagupit nang maiksi si Sue.

Pero in fairness, bagay sa kanya ang bagong hairstyle. Nagmukhang super ganda na tomboyita si Sue sa bago niyang buhok, na mas lalo pa raw lumabas ang ganda niya.

Mas napo-project din daw ngayon ni Sue ang kanyang beautiful face dahil sa kanyang very short hairstyle!