Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bilyong pondo ng mga magsasaka, sinimot sa PCIC

0 713

Delikado ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Nueva Ecija sa tag-ulan matapos silang tablahin ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa tulong pinansyal dahil naubos na umano ang pondo dahil sa COVID-19 pandemic.

Ikinatwiran ni Melba Manalo, PCIC regional manager na nakakasakop sa nasabing probinsya, ang National Budget Circular No. 580 ng Department of Budget and Management noong Abril 22, na nag-aatas na 35-percent ng kanilang P3.5B budget para sa fiscal year 2020 ay hindi na maipagkakaloob sa kanilang ahensya, at gagamitin sa COVID-19 response.

“Sorry dahil mas priority ang health at hindi kayong magsasaka sa panahong ito” bahagi ng pahayag ni Manalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na naipatigil na ang insurance sa mga pananim nitong Hulyo 14 makaraang masaid na ang nalalabing 65-70% ng PCIC fund.

“How I wish maipasiguro lahat ng mga tanim ngayong wet season, pero walang budget, paano gagawin natin,” ayon pa kay Manalo.

Dahil sa pandemya ay nabatid na iniutos ng Dept. Of Agriculture na gawing libre ang insurance para sa mga bukiring may lawak na hanggang isa at kalahating ektarya.

Gayunman ikinabahala ng mga natanggihang magsasaka na bukod sa mababang presyo ng ani dahil sa Rice Tarrification Law, at banta ng mga bagyo at masamang panahon ay nadagdag pa sa problema na wala na umanong pondo ang PCIC para sa insurance ng mga pananim. (Jojo de Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.