Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bilyones matitipid sa swab upon arrival

0 21

Malaking katipiran sa gobyerno kung ipatutupad ang “swab-upon-arrival” na polisiya ng Cebu sa mga dumadating sa international airports dahil hindi lamang “sensible” at “science-based” ang patakarang ito, ayon kay Senador Joel Villanueva.

“Isa po itong uri ng ‘health checkpoint’ kung saan hindi na pagdadaanan ng ating mga OFW ang matagal na quarantine kung negatibo sa swab test. Makakatipid po sila ng oras at pera na mas mainam na gamitin nila sa kanilang mga pamilya,” sabi ni Villanueva, chair ng Senate labor committee.

“Magiging mas maikli po ang pananatili ng OFW sa isang hotel, at mas liliit ang gastos para sa gobyerno,” dagdag nito.

SM food to go Banner Ad

Sagot umano ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang itinakdang 10 araw na quarantine sa hotel ng mga OFW.

Sa isang araw, may 10,000 OFWs ang nasa 114 na mga hotel. Nagbabala ang OWWA nitong Marso na mauubos na nito ang pondong na P6.2 bilyon ngayong taon nang limang buwan lamang sa gastos nito para sa mga OFW.

“Kung ipatutupad natin ang Cebu system ng pag-quarantine sa mga dumarating na pasahero sa buong bansa, mahigit P300 milyon po ang matitipid ng gobyerno. Isipin na lang po natin kung gaano karaming pamilya ang makatatanggap ng ayuda mula sa hala­gang ito,” ani Villanueva. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.