Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bilyonaryong politiko kinama transgender

0 144

Tampulan ng biro raw ngayon ng mga nagtatrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang kanilang boss matapos kumalat ang tsismis na pumatol ito sa isang transgender.

Ang POGO owner ay isang bilyonaryong negosyante at kilalang politiko sa isang malayong lalawigan sa bansa. Kilalang hayok daw ito sa mga babae at sa biruan ng mga POGO worker, kahit poste o hayop basta nakapalda ay titikman nito.

Naitsismis ng isang Marites kay Mang Teban na itong bilyonaryong politician ay may contact na siyang naghahagilap ng babaeng ikakama ng uragon na negosyante. Hindi raw nababakante itong negosyante bawat linggo.

Isang beses, nakakuha ang bugaw nito ng napakagandang babae na pang-beauty pageant ang porma at tindig. Siyempre, parang asong ulol na naman itong billionaire politician at agad na dinala sa malamig na lugar itong babae.

Hindi na ito nag-aksaya ng oras dahil agad na pinupog ng halik nitong billionaire politician ang kanyang nabingwit pero nang bumaba na siya sa dibdib, nanibago ito dahil halos hindi gumagalaw.

Doon pa lamang ay nagduda na siya pero dahil libog na libog na, tinuloy niya ang pagtuhog sa kasiping. Huli na nang malaman niyang transwoman ang kanyang naka-sex dahil sa lalim ng boses nito.

Halos masuka nga raw itong ating bida, kulang na lamang ay laklakin ang bactidol dahil dating lalaki ang kanyang nakatukaan sa kama.

Pintahan n’yo na. Ang babaerong bilyonaryong politiko ay maraming panganay na anak sa iba’t ibang babae. May letrang B sa kanyang pangalan, as in nabudol siya ng Bading.

Leave A Reply

Your email address will not be published.