Una sa Balita

Bilyonaryong pedophile pinapatay?

0 337

UPANG hindi mabulgar ang mga prominenteng tao na pinatikim ng mga menor de edad na babae ng bilyonaryong si Jerry Epstein, posibleng ipinapatay ito sa kulungan ng New York noong Sabado nang umaga.

Ito ang kumakalat na espekulasyon ngayon sa umano’y pagpapatiwakal ni Epstein habang nakakulong sa Manhattan Correctional Center at hinihintay ang paglilitis sa kinakaharap na child-sex trafficking case.

Kilalang dikit ang 66-anyos na si Epstein kina US President Donald Trump, dating President Bill Clinton, Prince Andrew ng United Kingdom at iba pang prominenteng indibidwal kaya’t lumakas ang espekulasyon na pinapatay ito upang hindi na makapagtestigo kung sino-sino ang binigyan niya ng mga menor de edad para maikama.

Isang biktima na ang nagsabing ibinugaw siya ni Epstein kay Prince Andrew na miyembro ng British Royal family.

Hindi pa inilalabas ng Medical Examiner’s Office ang sanhi ng pagkamatay ni Epstein dahil kailangan pa raw nila ng karagdagang impormasyon para maideklara ang ‘cause of death.’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy