Una sa Balita

Bilyonaryo front lang ang asawa

0 899

Matagal na raw hiwalay ang kilalang bilyonar­yo sa bansa sa partner niyang miyembro ng kontrobersyal na pamilya.

Sa nasagap na tsismis ni Mang Teban, pinalalabas na lang ng dalawa sa publiko na magkasama pa rin sila alang-alang sa kanilang negosyo.

Ito kasing bilyonaryo, mayroon nang bagong kinalolokohan na mas bata kaysa sa dati niyang asawa.

Itong dating asawa naman niya, nali-link naman ngayon sa isang kontrobersyal na Tsinoy.

Ang Classic nito, itong si Filipino-Chinese ay mayroon ding asawa at mga anak at regular na umuuwi sa kanilang bahay.

Pintahan n’yo na. Ang bilyonaryo na ginawan­g dekorasyon ang kanyang asawa ay may letrang T sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy