Una sa Balita

Bilyaristang lespu Bayhon, tutumbok sa Fire Games

0 207

TARGET ngayon masungkit ni Police Staff Sgt. Eric Bayhon o kilala din bilang “Billiard Cop” ang gold sa kanyang international tournament bago su­mabak sa 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Hindi man kasing sikat gaya ng mga idolo niyang si Efren “Bata” Reyes o Dennis “Robocop” Orcollo, patuloy pa rin ang paghakot ni Bayhon ng mga para­ngal para sa bansa.

Sa pagbisita nito sa 18th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club kamakailan, ibinahagi nito na puspusan na ang kanyang paghahanda para sa World Police and Fire Games 9-Ball tournament na gaganapin sa Chenggu, China sa Agosto.

“Pipilitin ko po na manalo na ng gold sa darating na August. Talagang pinaghahandaan ko ito,” pahayag ni Bayhon.

Nagtapos noon ang Zamboanga-native ng fifth overall sa 2017 World Police and Fire Games 9-Ball tournament sa Los Angeles, California.

“Mabigat ‘yun laban dun pero kumpiyansa naman tayo, lalo na madami naman tumutulong sa atin, kasama na siyempre si PNP Chief Oscar Albayalde,” giit ni Bayhon. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy