Una sa Balita

Billy sanay na sa pakikipaglampungan ni Coleen sa ibang lalake

By
0 6,667

Finally, ni-reveal na rin ni Coleen Garcia kung kailan ang buwan ng kasal nila ni Billy Crawford. It’s going to be a summer wedding dahil April ang napili nilang buwan na magpakasal. Hanggang sa month na lang muna raw ang kaya niyang i-share, ‘yung e­xact date, secret pa rin.

At dahil summer, sa isang beach nila napiling magpakasal. It’s going to be a destination wedding outside Metro Manila. At least, sure na sa bansa pa rin nila napiling magpa­kasal.

Natatawang hirit pa ni Coleen, “So, Sin Island siya.”

Ang Sin Island kasi ang movie niya ngayon kasama sina Xian Lim at Nathalie Hart na ika-second day sa mga sinehan ngayon dahil nag-open siya kahapon, mismong Araw ng mga Puso.

Kung may worry man si Coleen kahit na summer, ang baka ulanin daw sila at hindi nila ma-achieve ang beach wedding talaga. Just in case, may naka-ready rin daw silang chapel.

Dahil sa sobrang busy raw nila pareho, talagang hindi nila magawang tutukan ang lahat ng detalye sa kasal. Malaki ang pasasalamat ni Coleen sa bestfriend/pinsan niyang si Ria Atayde na siyang naa­asahan daw niya.

Halos ready na rin daw ang wedding invitation nila, kailangan na lang nilang i-finalize ang list ng ninong at ninang dahil ‘yung iba raw, hindi pa nila personal na nakaka­usap.

Maganda raw ang dynamic talaga ng relasyon nina Coleen at Billy. Suportado raw siya ni Billy sa mga gusto niyang gawin sa buhay, lalo na pagdating sa career niya.

Aniya, “A lot of people don’t know the dynamics of our relationship. So Billy, very, very supportive siya. Parang kung nakikita niya na dito ako nagsa-shine, or ito ‘yung hilig ko or kung ito ‘yung passion ko, susuportahan niya all the way.”

Wala na rin daw isyu sa kanila ni Billy kung nagpapaka-daring o sexy man siya sa mga ginagawa niya tulad nga rito sa Sin Island. Tingin daw niya, sanay na ang fiancée.

“I think, ‘yung pinaka-nahirapan siya, ‘yung first film, ‘yung with Derek (Ramsay), ‘yung Ex With Benefits, kasi nga, it’s the first time. Pero ngayon, parang since especially it’s also my third time working with Direk Gino Santos, parang kabisado na rin niya kung pa’no kami magtrabaho and he’s very kampante naman kung paano kami magtrabaho.”

At kahit kasal na, wala naman daw silang usapan ni Billy na titigilan na niya ang pagtanggap ng mga sexy roles.

Aniya, “Wala naman po kaming usapan na ititigil or ile-lessen. Si­guro it depends pa rin sa material na ipe-present. Kung maganda ‘yung role, kung maganda ‘yung story, game pa rin naman ako.”

Megan, Katrina wagi sa ratings

Masayang-masaya ang team ng The Stepdaughters dahil sa naitala ng pilot episode ng pinaka­bagong Afternoon Prime ng GMA-7. Pumalo ito sa rating at bukod dito, nag-trending pa sa online.

Napanood na namin ang first two episodes kaya hindi na kami nagulat na posible talaga itong bagong kabaliwan ng mga manonood sa hapon. Kuhang-kuha ng serye ang formula na tinututukan talaga ng mga manonod.

Sure rin kami na magmamarka nga si Angelu de Leon sa The Stepdaughters dahil sa nakakalokang pagganap niya rito. Though, ‘yun nga lang, mamamatay rin siya or else, paano magkakaroon ng the stepdaughters ang serye, huh!

Ngayong araw na ito, mapapanood na sina Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez.