Una sa Balita

Billy nakakaalarma ang itsura

0 982

Nag-aalala na ang mga supporter, fan ni Billy Crawford sa itsura nito, na ayon sa mga comment ay hindi na healthy tingnan.

Nag-post si Billy ng larawan niya habang nasa background niya ang matataas na gusali. Pailalim ang kuha kay Billy kaya lumabas ang humpak niyang pisngi at ang payat niyang leeg.

Dagdag pang nangingitim ang paligid ng mga mata ni Billy na siyang isa sa mga naging basehan ng mga nakasilip sa kanyang post para paalalahanan ito.

Sabi ng ilan sa kanyang mga fan, magdagdag daw ito ng timbang dahil hindi ito bagay sa kanya. Mukha raw may sakit si Billy sa itsura nito at gusto ng mga itong magdagdag ng timbang ang mang-aawit o kumain ng marami para magkalaman.

Walang himig ng pamimintas ang lahat ng mga nagsasabing “hindi magandang tignan” ang itsura ni Billy. Nagmamalasakit lang daw sila sa aktor at hinahanap nila ang dating ka-gwapuhan ng Kapamilya star. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy