Una sa Balita

Billy kayod-marino para sa kaligayahan ni Coleen

By

Kasal, bahay, kalokang gastos

0 3,272

Sobrang exci­ted na nga sina ­Billy Crawford at Coleen ­Garcia sa nalalapit nilang kasal ngayong summertime dahil gusto na nilang makalipat sa bagong bahay na ipinatatayo ni Billy.

Kayod-marino nga ang It’s Showtime host dahil mas magastos nga ang finishing touches ng isang bahay lalo na’t ito ang titirhan nila ni Coleen pagkatapos ng kanilang kasal.

Hindi rin nga mapi­gilan ni Coleen ang kanyang excitement nu’ng i-post niya ang almost-­finished house na tinawag pa niyang Crawford’s Crib.

Ayon naman kay ­Billy, ‘yun naman talaga ang ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya makikitira o magrerenta ng kung saan-saan kapag siya ay nag-asawa na’t nagkapamilya na kanya namang tinutupad ngayon.

Isang malaking factor nga ang pagtatrabaho na mula sa kanyang pagkabata kaya solid ang foundation niya pagda­ting sa independence kaya solong katawan niyang binubuo ang kanyang dream house para sa sari­li niyang pamilya.

Nakakatuwa, ­de­vah?

Pokwang iyak nang iyak dahil sa anak na si Mae

Mangiyak-ngiyak si Pokwang sa pag-welcome sa kanyang anak na si Mae Subong na umuwi na mula sa kanyang internship sa ­Paris para sa kurso niyang ­Culinary Arts.

Mahigit dalawang buwan doon si Mae kung saan parang nagsusumbong nga ito sa kanyang nanay na kinaya niya talaga ang solong buhay sa ibang bansa.

Sa video post mismo ng komedyana, makikita na ang kanyang dyowang si Lee O’ Brian ang sumundo sa kanyang anak na may hawak-hawak ding kamera.

Grabeng higpit ang yakap ni Pokie sa kanyang unica hija na sob­rang miss na niya kaya ang dialogue ni Mae ay, “Ba’t ka pa umiiyak, ­dito na ako.”

Nagkabiruan din ang mag-ina nang pansinin ni Mae ang kanyang malaking tiyan sabay balik-biro naman niya, “Siyempre, ­buntis ako!”

Doon ay nagkatawanan na ang mag-ina na magkaakbay pa rin habang naglalakad patu­ngo sa kanilang ­living room.

Halatang hirap sa paglalakad si Pokie dahil naging maselan ang kanyang pagbubuntis kaya ingat na ingat talaga ito. Siyempre, ­bawal ang stress, noh!