Una sa Balita

Billy iyak-tawa sa kasal kay Coleen

Anne,Luis no show

By
0 2,493

Super abang ang mga fan sa kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia kahapon, na ginanap sa Balesin Island, bandang 4 pm. Makikita sa social media ang paghahanda ng lahat ng mga imbitado na kanya-kanyang post sa Instagram.

Para ka ngang nanonood ng pelikula, dahil sa sari-saring eksena sa video na pino-post ng mga kaibigan nina Coleen at Billy.

Pero, bago ang kasal kahapon, nagpiyesta na ang mga fan sa welcome party, o white party nina Billy at Coleen nung Huwebes ng gabi sa nasabing isla.

Ang cute ng pa-hashtag nilang #coleengotthebill.

Sa mga ganitong okasyon, ang Instagram stories ni Tim Yap ang masarap tutukan, dahil hindi ka niya bibiguin sa pagpo-post ng mga video. Sa IG stories nga niya kami kumuha ng sangkatutak na kuwento sa naganap na kasal noon nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

Sa IG stories ni Tim Yap ay ipinasilip na niya ang magandang set up ng venue. Napapaligiran ng mga mamahaling bulaklak, na sabi nga ay nung umaga lang kahapon dumating, kaya talagang ratsada ang mga staff ni Gideon Hermoso sa pag-arrange ng mga bulaklak, na sabi ay galing pa raw ng Amsterdam.

“Beautiful set up,” sabi ni Tim Yap, na ang lalakaran nga ni Coleen ay napapagitnaan ng dalawang infinity pool, na papunta sa mini altar, na nakaharap sa mismong dagat.

Ipinakita rin sa video ang pagri-rehearse ni Gary Valenciano sa kantang Lead Me Lord, na ginamit habang nasa stage sina Billy, Coleen.

Anyway, umaga kahapon ay makikita naman sa video ni Ria Atayde na nasa balkonahe, terrace si Billy ng villa na tinutuluyan nito, at todo sayaw, ta­lon nga ito.

Tawa nang tawa si Ria sa video niya kay Billy, dahil panay nga ang ­exercise, o push up sa wall ni Billy.

“I’m so excited to see what God has planned for us my beautiful and loving wife,” sabi ni Billy.

“Today is the day to rejoice. Thank You Lord!” saad pa rin ni Billy.

Makikita rin sa IG wall ni Ria ang photo nilang tatlo nina Billy at Coleen.

“I’m the only third party ­welcome in this relationship. I love you both so much,” pag-caption pa ni Ria, na kasama rin sa event na ‘yon ang nanay ni­yang si Sylvia Sanchez at utol na si Arjo Atayde.

Ilang oras bago ang kasal, ipinakita naman si Billy sa video na nakatayo lang, habang tinutukso-tukso ng mga kasama niya sa room, tulad nina Vhong Navarro, KC Montero, Kris Lawrence, Jay-R, at marami pang iba.

Pasayaw-sayaw si Billy, pero ramdam mong kabado, tensiyonado, at siyempre puno ng kaligayahan.

“Iiyak na ‘yan!” tukso pa ng mga groomsmen niya sa kanya.

Sa IG stories pa rin ni Tim Yap, around 4:45pm nung magsimulang lumakad sa aisle ang mga kasama sa entourage. Nasa altar na si Billy kasama ang parents niya.

At before 5pm, makikita na nga sa IG ni Tim Yap na naglalakad na ang bride.

Sa seremonya ng kasal, makikita na pangiti-ngiti si Billy, pero panay rin ang pahid ng mga mata. Sa mga event nga na may kinalaman sa kasal nila ni Coleen nitong mga nakalipas na araw, palaging emotional si Billy.

Siyempre, present ang mga kasamahan ni Billy sa It’s Showtime, tulad nina Vice Ganda, Ryan Bang, Jhong Hilario, at iba pa, pati na ang director nila na si Bobet Vidanes.

Wala sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa BiCol wedding, dahil nasa London ang dalawa para sa London Marathon. Si Anne nga ang kasali sa London Marathon, at siyempre suportado siya ng husband niyang si Erwan.

Hindi ako sure kung tinotoo nga ni Luis ang hindi niya pagdalo sa kasal ng BiCol. Sa mga early post kasi sa IG, panay lang ang bati ni Luis kina Billy at Coleen.

Kaya may nagtanong tuloy kung bakit hindi siya dadalo sa kasal.

“Congrats! Sorry I’m not there!

“Nagseselos kasi ako, gusto ko kami ni Billy ikasal!” pabirong sagot niya sa mga tanong.

Dumalo rin sa BiCol wedding sina Derek Ramsay with girlfriend, at ang mag-asawang Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Pati na sina Sharon Cuneta, Amy Perez. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More