Una sa Balita

Billy iniyakan ang male dancer

0 817

Walang tigil ang pagluha ni Billy Crawford bilang isa sa mga hurado ng “World of Dance Philippines” dahil sa isang contestant na malapit sa kanyang puso.

Ang contestant na ito ay si Jay na dating miyembro ng XB Gensan na ilang taon ding na­ging bahagi ng “It’s Showtime” noong panahong co-host din dito ang Kapamilya host-dancer.

Matapos ang “napakaa­ngas” na performance ni Jay, wala pa ring tigil ang pagluha ni Billy na kung hindi na lang siya na ang magbibigay ng kanyang opinyon, ay baka hindi na ito nakapagsalita pa.

May point nga na kailangan pa niyang tumalikod sa kamera para punasan ang kanyang mga mata.

Nang magsalita na nga siya, ang talagang pinunto niya ay ang respeto niya kay Jay bilang isang world-class dancer, nga­yon hindi bilang member ng XB Gensan, kundi bilang isang solo performer.

Ibinunyag ni Billy na kaya ganun na lamang ang respeto niya kay Jay dahil ito pala ang gu­magawa ng moves at sayaw nila nina Vhong Navarro at Jhong Hilario noon sa “It’s Showtime” at alam niyang isa itong dekalibreng mana­nayaw.

Nang tanungin siya nito kung bakit siya sumali, ang nakaka-touch ay ‘yung sagot niya na na-miss niya ang stage, at ang makita ang kanyang sarili na sumasayaw mag-isa.

At hindi nga niya binigo ang sarili niya at ang mga taong malaki pa rin ang tiwala sa kanyang kakayahan, dahil isang hanep na bakulaw na perfor­mance ang ipinakita niya onstage.

Maging sina Maja Salvador at Gary V ay halatang naging emos­yonal din sa kanyang ipinanlaban.

A dancer will always a dan­cer kahit sinasabi nga ng iba na tapos na ang heydays ng XB Gensan at marami nang pumalit sa kanilang mas bata at mas daring na mga dancer.

Well… (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy