Una sa Balita

BILLY-COLEEN RELASYON, WINAWASAK!

By
Billy Crawford
0 17
Billy Crawford
Billy Crawford

Biruin mo nga naman, ang isang simpleng pag-post lang ni Coleen Garcia ng picture ng ‘nilalantakan’ niyang steak, puwedeng pagmulan ng init ng ulo at isyu!

Three days ago, nag-post si Coleen ng pagkasarap-sarap (tingnan) na steak, na nilagyan lang niya ng caption na…

Abante Hiring – IT dep

“@coleengarcia: I’m always up for some good steak. I love that #Steak77 is just around the corner from where I work! Easy to go for a quick meal in bet­ween appointments!”

At ilang minuto lang ang nakalipas, marami na nga ang nag-comment sa photo na ‘yon, at biglang-bigla, may mga comments na nagsulputan, na parang may ibig ipahiwatig, ha!

Na parang pinalalabas na ‘nagloloko’ si Billy Crawford, ang boyfriend ni Coleen. At si Dawn Chang, ang tinutukoy na babae, ha!

Medyo idinaan pa sa patanong ang mensahe, pero kung ikaw nga si Billy, alam mong may ibig ipahiwatig ‘yon, na ikagagalit mo talaga. Heto ang mensahe…

“@ailyn_tnghn: Hai, idol @coleen may nag chat po sa akin now. Simula raw po pagkanta magkatabi na si Dawn Chang at Kuys. Nag-aalala lang po ako. Baka kung papaano na ‘yan.

“Wag naman sana. Isa pa. Kahapon may nag-status fan din siya ng @bicol lagi daw magkadikit si Dawn at @kuys, eh ayaw maniwala ng mga fan ng @bicol du’n sa babae na naggawa ng status…

“Ang ginawa ng fan ng @bicol binasher siya… ‘Wag mo po ako iba-block… Hindi kuna makikita ang mga post mo… Super super idol kita… Wag kang magagalit sa akin nag-aalala lang po talaga ko.”

At kasunod ng message na ‘yon, ang isa pang message na…

Billy, inakusahang ‘nambabae’ at ‘malandi’!
“ENOUGH IS ENOUGH! SOBRA NA KAYO!”– Billy

“@tinniehh: Malandi nman tlga ‘yang @billyjoecrawford e. Alam naman ng lahat ‘yan. @coleengarcia pls wag kang magkamali na umoo sa kanya kung gusto na niyang magpakasal sayo. Kawawa ka lang. Ikaw palagi ang sinasabihan na ‘malandi’” pero ‘di ka naman nali-link sa iba. Etong si Billy kahit ‘di nya trabaho na ipares siya sa ibang babae e kusa namang luma­landi.”

Oh, ‘di ba? Mapang-akusa, mapanghamon ang mga tsika nila. Kaya si Billy, hindi nakapag­timpi nang sinagot ang mga bashers niya sa mismong wall ni Coleen.

“@billyjoecrawford: For those who speak against me pls stop. Stop starting lies to ruin our happiness! You all have NO RIGHT to assume things about me.

“I am in the same spot on this show everyday for the past 5 yrs. If it’s not someone, it’s someone else. The year is almost over and still you talk the same crap over and over again. “ENOUGH IS ENOUGH!

“Worry about yourselves before others. I have respect for Coleen and myself so do not ruin other lives for your satisfaction!

“SOBRA NA KAYO EH!

“I am 34 yrs old and have no time for games!!! Lahat kayo #mema Lang, happy kayo! Tsk tsk. May God forgive you for all your sins cause I already do! Sad that the world we live in are full of haters and bashers. God will prevail not us.”

Heto pa ang panibagong post ni Billy sa wall naman niya na naglalaman ng mga linya sa Bible na tulad ng…

“Proverbs 6:14 ‘Their perverted hearts plot evil, and they constantly stir up trouble.”

“Romans 1:29 ‘They were filled with all manner of unrighteousness, evil, covetousness, malice. They are full of envy, murder, strife, deceit, maliciousness. They are gossips…’”

Na nilagyan niya ng caption na…

“@billyjoecrawford: Pay attention to the word. Gossip is a SIN! May God still Bless those who spread gossips and may the Lord Our Savior Forgive you!”

Arci, Jessy at Coleen, pangkabog kina Cameron, Lucy at Drew!

Jessy, Arci at Coleen
Jessy, Arci at Coleen

Anyway, kahapon ay humarap sa media si Coleen para sa promo ng movie niyang Extra Service, na prodyus ng Star Cinema, at dinirek ni Chris Martinez. Kasama ni Coleen sa pelikula ang mga seksing sina Arci Munoz at Jessy Mendiola.

At ang mga hunks na sina Ejay Falcon, Vin Abrenica at Enzo Pineda ang mga lalake sa buhay ng tatlo. At yes, may kinalaman nga sa ‘spa’ o ‘massage’ ang pelikula, pero sabi nga ni Direk Chris, puno ng aksiyon, at katatawanan ito.

Puwede nga raw ipantapat sina Coleen, Arci at Jessy sa mga bumibida sa huling version ng Charlie’s Angels na sina Cameron Diaz, Lucy Liu at Drew Barrymore, ha!

Kung alindog, mukha at tapang sa pag-aksyon daw ang pag-uusapan, kabogera rin ang tatlo!