Una sa Balita

Billy, Coleen nag-sorry

By
0 3,493

Nag-issue ng kanilang apology sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa lumabas na series of prenuptial photos nila via Instagram. Naging kontrobersyal sa mga netizen ang prenuptial photos nila na kinunan sa bansang Ethiopia dahil lumabas na racists ang mga picture nila.

Sa apology nina Billy at Coleen nabanggit nila na nagkaroon lang ng ibang interpretation ang ibang mga netizen sa mga prenup photos nila. Part daw kasi iyon ng tourism campaign shoot na sponsored ng Ethiopian Airlines.

Inalis na raw ng dalawa sa kanilang mga IG account ang mga tinaguriang racist photo. Heto ang naging statement nila Billy at Coleen regarding the photos:

“Completely, it might not even be about the photos per se, but more on how it comes across and what it could represent. Being public figures, dito kami nagkulang and we admit we could have done better.

“We were invited and sponsored by Ethiopian Airlines to do our shoot there for their tourism and capture their natural environment because we were told that tourism helps their economy.

“‘Yung shot with the kids, actually patapos na kaming mag shoot noon na kaming dalawa lang and we just needed to get a few shots in, but naaliw ‘yung kids (who were already there) and they really wanted to be a part of the photos so they kept coming into the frame hanggang sa sinama na nina Oly.

“In fact, may dumating pa na local who was scolding them and shooing them away kasi abala daw sa shoot, but we felt differently and natuwa din naman kami sa mga bata kaya we told the man na it’s okay, and we let them be a part of the photo despite it not being part of the plan, and we even showed the photos to them after.

“It’s sad that the tendency is to jump to conclusions, but we understand din kasi nga they were not there to witness everything.

“Kaya we do apologize for how it might have translated, and we’re sorry again to those we have offended.”

Nilinaw din nina Billy at Coleen na ang mga photo na iyon sa Ethiopia ay hindi nila official na prenuptial photos. May gagawin pa sila na mas personal at kukunan ‘yon dito sa Pilipinas.