Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bills natin para sa protektor, proteksyon ng mamamayan, inaprub ng Senado

0 74

Bittersweet ang pakiramdam na nagsara na ang 18th Congress. Pero bago kami makarating sa finish line, ‘ika nga, siniguro namin na maraming bills ang natapos.

Happy ako at nagpapasalamat sa aking mga kapwa senador, sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, dahil kasama sa mga na-approved on third and final reading ang dalawang bills ko na ‘yung isa ay para sa proteksyon ng mamamayan at ‘yung isa ay para sa mga security guard at sa private security agencies na masasabi nating protektor ng mamamayan.

Ang una ay ang Senate Bill No. 2501 (SBN 2501) na may title na “An Act Penalizing Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms, Amending for the Purpose Act No. 3815, as Amended, Otherwise Known As the Revised Penal Code.”

‘Yung isa ay ang SBN 2423, o ang “Private Security Service Industry Act” na nagre-repeal sa 52-year old na Republic Act 5487, o ang “The Private Security Agency Law.”

Tayo ang author ng napapanahon at napakaimportanteng mga bills na ito at tayo rin ang nag-sponsor bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Itong SBN 2423 ay naglalayon na mai-angat ang kalagayan ng mga security guard at security agencies.

Aminado tayong hindi nabibigyan ng kaukulang pansin at pagpapahalaga ang ating mga binansagang ‘sekyu’. Kadalasan pa nga, sinusungitan sila habang ginagawa nila ang kanilang trabaho, samantalang para sa ating proteksyon naman ang mandato nila.

Pero sa kasagsagan ng matinding pandemya, naging frontliners ang mga security guard dahil ipinatupad nila ang health protocol sa binabantayan nilang establishments kaya hindi lang intruders ang napigil na makapasok kundi pati COVID-19 infected persons na maaaring makapanghawa sa loob.

Mahalaga ang serbisyo ng mga security guard kaya ko isinulong ang SBN 2423 na magpapalakas sa kanilang kakayahan, mag-i-improve sa kanilang professionalism, at magsusulong sa kanilang karapatan at welfare.

Kapag naging batas ito, ipapatupad ang mas malawak at ladderized training para sa mga security guard at private security professionals at ang License to Exercise Private Security Profession (LESP) ay ipagkakaloob lamang sa mga nakatapos ng Pre-Licensing Training Program.

Palalakasin din ang private security services industry sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malinaw na proseso ng registration at licensing ng private security agencies na dapat ay 100 percent Filipino-owned.

Related Posts

Pagdaramdam

Bagong kabanata

Marami pang provisions ang SBN 2423 na talagang magpapaunlad sa sektor ng private security service at security guards na maituturing nating protektor ng mamamayan.

Ang SBN 2501 naman ay nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa indiscriminate discharge of firearms.

Kailangang mas mabigat ang parusa kasi ‘yung penalties na nasa Revised Penal Code ay binabalewala ng mga mayayabang na nakakahawak ng baril na putok dito, putok doon ang ginagawa.

Sa SBN 2501, “any person who shall wilfully and indiscriminately discharge any firearm or any other device that may not have been designed as firearm but can be functionally used as a firearm, shall suffer the penalty of arresto mayor in its maximum period, unless the facts of the case can be held to constitute any other offense of which a higher penalty is prescribed.”

Kung ang offender ay miyembro ng military, military auxillary agencies, o kaya ay law enforcement agencies na authorized magdala ng baril sa pagtupad ng kanyang official duty, mas mataas ng isang grado ang parusa at administratively liable pa siya.

Agad ding kakanselahin ang lisensiya at permit ng baril at ang nagkasala ay hindi na maaaring mabigyan pa kahit kalian ng firearm license o permit.

Marami nang nabiktima ng indiscriminate discharge of firearms at marami nang ina at ama ang lumuha dahil naging biktima ang mahal nila sa buhay.

Uulitin ko ang sinabi ko noon: As a gun safety advocate, I condemn every senseless incident of injuries and loss of innocent lives because of reckless, careless, and negligent use and handling of firearms.

Kung mas mabigat ang parusa, mababawasan, kung hindi man 100 percent na mawawala, ang walang habas at iligal na pagpapaputok ng baril at maililigtas sa kapahamakan o kamatayan ang mga tao na maaaring mabiktima ng ligaw na bala.

Sa parating na 19th Congress naman, tuloy tuloy tayong magbabalangkas ng mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga Pilipino, itaga mo sa Bato!

Leave A Reply

Your email address will not be published.