Una sa Balita

Bill deposit sa kuryente inalmahan

By
0 18

Inalmahan ng mga residente ang ipatutupad na Bill Deposit (BD) ng Olongapo Electric Distribution Corporation (OEDC) sa lahat ng mga residente na hindi makakabayad ng kanilang kinunsumong kuryente sa darating na Nobyembre 14, 2017.

Sa isang liham na ipinadala ng OEDC sa kanilang mga consumers, ginagarantiyahan umano ng bill deposit na makakapagbayad ang kanilang mga consumers sa tamang oras upang hindi sila maputulan ng serbisyo sa kuryente.

Paliwanag pa ng OEDC sa kanilang liham katulad ito ng sistema ng pagbabayad sa paupahang bahay.

Ayon sa mga residente na lumapit sa Abante, malabo umano na ikum­para ang BD sa paupa­hang bahay na kapag hindi ka nakabayad sa tamang oras ay hindi ka basta na lamang maaaring palayasin dahil mayroon batas na nagbibigay proteksyon sa mga tenants.

“Delayed na nga po ‘yung pambayad namin ng kuryente kaya kami naputulan tapos pinagde-deposit pa nila kami ng halagang katumbas ng a­ming electricity load,” ayon pa sa isang konsyumer.

Dagdag pa ng mga konsyumers sapat na umano na idiskonek ang kanilang kuryente sakaling hindi sila makapagbayad subalit ang hingian pa umano sila ng deposito ay hindi na makatarungan kahit pa umano ito ang isinasaad sa Magna Carta for Electricity Consumers.

Makailang ulit na kinuha ng Abante ang panig ng OEDC sa pamamagitan ni Vice President for Customer Relations and Operations Engineer Bonifacio Rana kaugnay sa isyu subalit hindi ito sumasagot sa text at tawag sa telepono.16