Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bilis internet project tinipid – Lacson

0 183

Ibinunyag ni Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang napakalaking kakulangan sa paglalaan ng sapat na pondo sa mga pangunahing sektor.

Sa “2022 Presidential One-On-One Interviews” ng talk show host na si Boy Abunda, inihayag ni Lacson ang kanyang pagkadismaya sa maliit na inilaang pondo ng mga nakalipas na administrasyon para ganap na maipatupad ang mga plano para sa National Broadband Program (NBP), ayuda sa mga micro, small and medium enterprise (MSME), mga proyekto sa social services, kabuhayan at imprastruktura.

Si Lacson ang nag-sponsor sa Senado para sa budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa loob ng tatlo hanggang. Nakita umano niya kung paanong hindi naibibigay sa DICT ang hinihingi nitong pondo para ipatupad ang NBP.

“Ang request nila para mapaandar na `yong National Broadband Program… Meaning, mag-i-improve `yong ating internet service, `yong speed. Ang hinihingi lang nila P18-billion additional. Ako ‘yung nag-sponsor. Ano ibinigay ng national government? P2 billion,” sabi ni Lacson.

“Ang sabi nila `Walang mangyayari kasi gusto naming buuin na `yong national broadband’, `yong mismong highway at mag-i-improve `yong internet speed. Wala tayong ganoon, Boy, e,” dagdag ng senador.

Ayon pa kay Lacson, makatutulong sana ang pagpapalakas ng internet connection sa bansa upang mapaunlad din ang research and development (R&D), pero lumalabas na 0.4 porsyento lamang ang inilalaang budget ng national government para rito, habang ang ibang bansa ay nagbubuhos ng bilyon-bilyong pondo sa parehong mithiin. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.